Sunday, January 11, 2009

Arial

Arial ang gusto kong font palagi kapag nag ta-type ako ng documents sa computer, natutunanan ko to sa prof ko nung college lahat kasi ng mga binigay nya samin na hand outs, exam, etc. nasa format na ito and even we submit term papers, projects eto lagi ang gusto nyang font na makikita nya otherwise babalik sayo yung papel and uulitin mo uli.. Mahal pa naman ang rent ng computer, tapos additional charge pa yung printing..


Anyway naka survive naman ako sa prof. ko na yun. I learn from him a lot specially on college survival techniques. Working student kasi sya dati.


Bakit arial ang gusto ko? Madali kasing maiintindihan yung letters, i mean malinis yung letra walang arte hindi rin mukhang ispesyal ang itsura. Simple lang, madaling intindihin.


Mas masarap kasing maging simple lang, pero may ibubuga

Simpleng buhay, kayang dalin lahat ng dumating o nakaraan..

Simpleng pananamit, hindi na kailangan ng mahal kung meron namang ukay-ukay

Simpleng sapatos o tsinelas, di na kailangan ng havaianas kung pwede naman ang Islander


Pwede naman maging simple ginagamit lang ang pagiging magarbo sa tamang oras at lugar.


Agree? Kampay...


Wednesday, December 31, 2008

2009 Na

January 2009..

Sabi ko weekly no.. naging yearly na.. anyway happy new year.

Eto sisimulan ko na talaga ang blogging, masaya din naman kasi at nakaka enjoy...
nabasa ko kasi mga blog ng tropa kong si jon cabron.. sersoyo, matinde..

New year nanaman, another year another life.
Maraming nagsasabi na nahirap daw ang buhay ngayun taon, dahil daw sa "Global Financial Crisis" na ang pinagmulan eh ang malaking bansa ni Uncle Sam. Napatanong ako sa sarili ko. Ha? Bakit naman, Bakit naman tayo maghihirap o maapektuhan ng mga kasalanan ng mapuputlang balat na inyon? Kasalanan ba natin na ayaw na mga bayad ng credit card ng mga tao dun at buong mundo eh mag dudusa sa utang nila.. "Nam pucha" naman oh.

Kaya ko nga iniiwasan ang mga credit card na yan para umiwas sa utang na may malaking interes, tapos yung mga kamag anak ni Uncle Sam eh pahihirapan ako sa mga utang sa credit card na yan na di ko naman napakinabangan, i want to kick there asses untill it bleeds..

Basta god bless na lang sa bayan natin

Sunday, September 14, 2008

my first day of blogging

Nung una kong marinig tong blogging.. natawa ko sa sarili ko, katunog kasi ito ng ulo pag nauntog "blog" hehe.. astig ang joke no? bat kasi di nalang tinawag na e-diary, or e-journal.. nkakainosente tuloy.

anyway.. its nice to know na meron ganitong klase na imbensyon na in a way we can detail thru words and able to save some of crazy ideas for long day of work, school, out of town, etc.

me.. i just finished washing my clothes, damn it is so hard to wash clothes specially if tambak na yung damit na lalabhan, ako pa naman linguhan maglaba, pero thanks to my mama, nilabhan nya yung iba.. hehe pero madami pa din, pero buti nlang tapos na, next ulit nalang kami magkikita.

Some drinking sension yesterday:
Yesterday i was in a birthday celebration of a not so close friend, he invited me in his house.. medyo madaming tao.. so some common friend called me and ask me to sit with them because they started already drinking some booze, brandy yung iniinom nila kaya yung iba medyo may tama na. Damn ang sakit sa tenga nung video-oke, parang may katabi kang sinturon ni hudas na tuloy-tuloy yung putok, panay pa ang feedback at nagsisigawan na kayo ng katabi mo para makisuyo ka lang na paabot yung pulutan. Pero ganun pa man enjoy ang lahat, kahit wala sa tyempo yung sumunod na kumanta nagpapalakpakan padin kami.. I started to sing that i got from the songbook which being handed to me right after i sat, haha.. believe me i'm not a good singer but everyone is chanting and they say "Wow pre ang galing mo pala", sabi ko nalang sa sarili ko, lakas lang ng tama nyo.
Well, dun ko lang na isip na pag lasing ka na pala eh bolero ka lalo.. haha.., and filipinos do realy love to sing. Ba't ko nasabi? nagkalat kaya ang mga video-oke bars, kahit nga sa lamay ng patay may video-oke na ngayun eh at meron pa minsan live bands..
So at the end of the day i'm also bit drunk when i got home and got a LSS-last song syndrome.